Tulak Sana po ay unawain nyo ako, laliman nyo po ng kauntian, haha! Enjoy po sa pagbasa! Mag-comment po kayo ng violent reaction nyo, bwehehe :D Please, huwag nyo pong iplagiarize, salamat! :) =========================================================== "HOY!!!" *puuuuuuuuuuuuusssssssssssssssssshhhhhhhhhhhhhhhh!* "Ano ba?! Palagi ka na lang nanunulak! Ano bang problema mo ha?!" Sigaw ko sa kanya. Buti at di ako natumba nung tinulak niya ako. "Wala, HAHAHA!" Aba't talagang----------------------------------------------- may gana pang tumawa! "Bakit ba palagi ka na lang nanunulak?! Buti at di ako natutumba! Bwisit ka!" Sigaw ko ulit. "Ajgdksfczkukdks. . . . . . . . . . . ." Bulong niya. "Anong sabi mo?! Di ko narinig!" Sabi ko. Paanong maririnig ko eh bumulong lang! "WALA! Alis na ako." Sabi niya pero may pahabol pang tulak! Nakakainis na ha! "Aba't------------------------------- HOY! May araw ka rin sa'king lalaki ka!" Sigaw ko ulit. Tumakbo na kasi after niya akong itulak. Aba at ang loko tinawanan lang ako?! TAKAS SIYA SA MENTAL! TAKAS! Nakasimangot akong naglakad papuntang classroom namin. Tss...... Bad vibes na naman ako. Bwisit kasi yung taong yun! "Marijoe! Bakit ganyan ang iyong itsuranels? Umagang-umaga ah!" Bungad sa'kin ng close friend kong si Clarisse. "Sureness na, may tumulak na naman dyan :D" Pang-aasar naman ng isa ko pang close friend na si Rona. "Wag na nga kayong dumagdag sa pagka-BV ko!" Pasigaw kong sabi saka ako padabog na umupo sa upuan ko. "Whoa.... taray teh... Meron ka ngayon noh? :D" Sabi ni Rona pagkatapos ay sabay pa silang tumawa ni Clarisse at talagang nag-apir pa! Di ko na lang sila pinansin. Ayoko nang madagdagan ang bad vibes ko, walanghiyang Ivan yun! Palagi na lang nanunulak! >:( **************************** "3-1! Punta na raw sa gymnasium pagkatapos magpalit ng PE uniform!" Sigaw ni Ms. President. Kaya naman kami ay tumayo na at kinuha ang aming PE uniform at pumunta na sa CR para magpalit tapos nagpunta na kami sa gym. o_O Kasabay naming mag-pi-PE ang 3-3?! "Yihee! Kasabay pala nating mag-pi-PE ang 3-3!" Pang-aasar sa'kin ni Clarisse na may pagsundot pa sa tagiliran ko. "Nyahahaha! Destiny!" Dagdag pa ni Rona na may kasama pang hampas! Langya itong dalawang ito....... baldado ako eh! "Mang-aasar na nga lang may kasama pang hampas!" Sabi ko sa kanila at tinawanan lang ako?! Mga takas din sa mental! Paano ko kaya naging kaibigan ang dalawang ito? =_= Nauna na akong maglakad sa kanila. At nagulat na lang ako nung biglang may tumulak sa'kin! Argh! Kamuntikan na akong ma-out of balance! Paglingon ko....................... =_=+++++++++++++++++++ SIYA NA NAMAN?!?!?! "Sorry. . . . . . . . . . . . . . .SINASADYA! :D" Sabi niya tapos tumakbo na habang tumatawa. "BWISIT KA TALAGA!!!!" Sigaw ko sa kanya. *PRRRRRRTTTTTTTTTTTTTTTTTT!* "May problema ba Ms. Jimenez?" O____O PAKTAY! TIGLO! Nasa kalapit ko lang pala si Sir PE nung sumigaw ako, kaya malamang rinig na rinig niya ang pagsigaw ko =_= "Wala po Sir..." Sabi ko habang nagtungo ng konti bilang paghingi ng sorry. Takte.... pahamak talaga ang Ivan na yun! Pumito ulit si Sir PE at pinahanay ng kami. By HEIGHT pa! =_=++++ LESHE! Nasa kaunahan pa tuloy ako! OO NA! KAYO NA ANG MATANGKAD! NAHIYA NAMAN AKO! Naglalaro ata ako ng Fishing Dairy nung nagpaulan ng katangkaran si Lord, napag-iwanan tuloy ako =_= WAG NYO AKONG PAGTAWANAN! Walang maliit na hindi nakakapuwing! =_= Akala nyo, pag ako tumangkad..... HU U kayo sa'kin =_= Nagsalita na si Sir PE, basketball daw kami ngayon: 3-1 boys vs. 3-3 boys. So ganun? Taga-cheer lang kami? Mangay natutulog! "MARIJOE! Maglalaro si Ivan mo!" Sigaw sa'kin ni Rona na may kasama pang hampas ULIT! Napakasadista talaga ng taong ito =_= "Wag ka ngang mang-hampas! Ang sadista mo! At anong Ivan ko?! YAK! As in EEEWWWW! Iyo na! Kadiri!" Sabi ko tapos hinampas ko rin siya. HA! Gantihan lang >:D "Psh.... denial ka pa! Anong kadiri ka dyan?! Babawiin mo rin yang sinabi mo!" Sabi ulit ni Rona na sinapok naman ako! Aba talagang------------------ NAKAKARAMI NA 'TO HA! "Ano ba?! Nakakailan ka na!" Sinapok ko rin siya para fair. Ganyan ka-brutal ang pagkakaibigan namin.... gusto nyong sumali? :D Wala akong pakialam dun sa laro. Nandito ako sa pinakalikod eh. Mga nakatayo itong nasa unahan ko. GRABE. Ang ganda ng likod nila, SOBRA =_= Umalis nga pala si Rona kasi manonood siya, ayun, nagpunta sa unahan. Nagsisigawn na yung iba.... ang galing DAW ni Ivan...... ang gwapo RAW ni Ivan.... ang cool DAW ni Ivan..... LESHE! Puro na lang Ivan! Ivan! Ivan! Kasura! =_=+++ Natapos na yung laro at 3-3 boys ang nanalo. Oh, eh di sila ng ang magaling! Nagpalit na ulit kami ng uniform. At habang nagpapalit eh di ko mapigilang mairita. Paano ba naman.... si Ivan pa rin ang topic nila! Nakakainis! Mga teh! Uso yung salitang move on! Wala ba nyan sa bundok nyo?! Naglakad na kaming tatlo pabalik sa classroom. At itong dalawang kasama ko...... malapit ko nang ihulog sa ground floor! Lechugas! Si Ivan din ang topic?! "Sayang talaga Marijoe, di ka nanood... ang galing ni Ivan mo :D" -Clarisse- "Baka nanood yan.... yung pasikreto lang :D" Pang-aasar na naman ni Rona at nakipag-apir na naman kay Clarisse. Bwisit! Palagi na lang akong napagtutulungan ng dalawang ito! "Tss.... natulog lang ako!" Sigaw ko sa kanilang dalawa. "WOSHOO! NATULOG DAW?!" Nag-duet pa sa pagsigaw yung dalawa! "Kung ayaw nyong maniwala eh di--------------------------------------- ANAKNGKABAYONGNANGANAKNGELEPANTE!" Anak ng---------------------- MAY NANULAK NA NAMAN SA'KIN! TAKTE YAN! At yun! Ayun yung taong hilig akong itulak! TAWANG-TAWA! KASURA! "WALA KA BANG MAGAWANG MATINO SA WALANG KWENTANG BUHAY MO HA?!" Sigaw ko sa kanya. Nakakagalit na eh! "Wal------------" -Ivan- "KAYO! BAKIT KAYO NASISIGAWAN SA CORRIDOR?! YOU'RE DISTURBING MY CLASS!" Sigaw sa amin ng isang teacher. Eh teka... nagsigaw din siya ah? So nakakaistorbo rin siya ng ibang klase? Bad Marijoe... sinasagot ang teacher kahit sa isip lang :D "Sorry po Ma'am." Sabi naming apat tapos nagtungo pa kami ng konti. Sinarhan na ulit niya yung pinto. "Yan kasi... may pasigaw-sigaw pang nalalaman." Sabi ni Ivan habang may pailing-iling pa. "EH PAANO NAMAN KASI---------------------" -ako- "SSSSSSSSSSSSSSSHHHHHHHHHHHHHHH!!!" Suway sa'kin nung tatlo habang naka-quiet sign, basta! Yun na yun! Inismiran ko lang silang tatlo tapos naglakad na ako paalis. Grabe ang araw na ito! NAPAKASAYA! =_= **************** Lumipas pa ang mga araw at patuloy pa rin sa panunulak sa'kin si Ivan. Langya! inaraw-araw na! Bwisit! Hindi bababa sa sampung beses isang araw kung itulak niya ako! At eto pa ang nakakainis! Katutulak niya sa'kin............. nahulog ako. Nahulog ako sa kanya! Nakakainis nga eh! Bwisit talaga! Naglalakad ako papuntang library ngayon. May ire-research kasi ako. Loner ang peg ko ngayon. Si Rona kasi may meeting ang SEC (Supreme Executive Council) eh Treasurer yun dun eh. Si Clarisse naman inutusan ng isang teacher... kaya ayan. Mag-isa ako. At di ako sanay = 3= Lunch break ngayon kaya wala halos tao dito sa papuntang library... nasa cafeteria sila at nalamon :D Napatigil ako nung makarinig ako ng hikbi. Sobrang tahimik kaya rito tapos malayo sa rooms ang library, kaya ultimong tunog ng piso na nahulog maririnig :D At dahil ako ay curious, sinundan ko kung saan nanggagaling yung hikbi. Pero. . . . . . . . . . . . isang pagkakamali ata ang ginawa ko. ANG SAYA NAMAN..... nakita kong YAKAP ni Ivan yung babaeng umiiyak na pinagmumulan ng hikbi. Di ko kinaya ang nakita ko kaya dali-dali akong tumakbo palayo. Tang*na.... bakit may natulo galing sa mata ko? Bakit ako naiyak?! P*ta.... ganito pala masaktan? Para kang pinapatay ng dahan-dahan na para bang mas gugustuhin mong bilisan na lang ang pagpatay sa'yo kaysa maramdaman mo pa yung sakit. Ganun ang pakiramdam mga tropa! Ang sakit lang! Sh*t! Tanga ko naman kasi. Bakit pa ako na-in love sa kanya? Sino ba namang matinong tao ang mai-in love nang dahil lang sa panunulak?! Wala di'ba? Kaya hindi ako matino dahil na-in love ako gawa lang ng panunulak niya! Hindi ko alam kung saang parte na ito ng school. Tumakbo lang kasi ako ng tumakbo eh. Buti na lang at wala akong nabangga. "Okay... tama na ang pagiging tanga Marijoe ha? Itigil mo na yang kahibangan mo sa lalaking yun. Yan kasi! May pa-in love in love ka pang nalalaman! Ayan! Anong napala mo? Eh di iyak ka? Nganga ka? Tama na kasi!" Sabi ko sa sarili ko habang pinapahid ko yung mga luha kong tuloy pa rin sa pagtulo. "Ano ba Marijoe... tumugil ka na nga sa kaiiyak. Wala ka namang mapapala eh. Pag ba umiyak sa dyan pupunta siya dito sa harap mo at sasabihan ka ng I love you?! TIMANG!" Sabi ko pa sa sarili ko habang patuloy na umiiyak. Makalipas ang ilang minuto ay tumigil na rin ako sa pag-iyak. Tiningnan ko ang itsura ko, di naman masyadong halatang umiyak ako. Nagkasipon lang ako ng konti. Nagpalipas pa ulit ako ng 5 minutes bago ko naisipang tumayo para bumalik sa library. Wala na naman sigurong ganung eksena akong makikita di'ba? Hindi ko alam pero nanlalambot ako. Dala siguro ito ng pag-iyak. Parang ayaw ko na nga ring pumuntang library eh. Parang mas gusto kong umuwi na lang at magkulong sa kwarto ko. Feeling ko talaga matutumba na ako. Para ngang natumba na ako eh. Pero bakit di ako bumagsak sa sahig? "TANGA KA BA?! ANONG NANGYAYARI SAYO?! MAY SAKIT KA BA?!" Sigaw niya sa'kin tapos hinwakan niya ang noo ko, "Wala naman ah! Anong problema mo?" O___O Automatic naman na napalayo agad ako sa kanya. Tae mga tropa! Si Ivan pala yun! "A-ayos lang ako... s-sige... m-maiwan na kita." Mabilis kong sabi tapos naglakad na ako palayo. Takte! Kinakabahan na para akong natatae na ewan! Argh! Nakakainis! Ano bang nangyayari sa'kin?! Natataranta ako! "HOY! SANDALI! HOOOOYYYY!!! MARIJOE JIMENEZ!" Sigaw niya sa'kin. Paglingon ko, natakbo na siya kaya tumakbo na rin ako. Bilis Marijoe! Baka abutan ka niya! Takbo pa rin ako ng takbo. Para kaming timang, naghahabulan! Sana lang wag kaming makita ng Disciplinary Officer kundi mapapagalitan kami. Kaya lang pagliko ko................................. "AAAAAAHHHHHHHH!!!" Sigaw ko. May nabangga kasi akong tao eh ang lakas ng impact kaya matutumba ako. Napapikit tuloy ako. Pero.... ayan na naman. Di na naman ako bumagsak sa sahig. Pagmulat ko.............................................. O_____O "Hay sa wakas. Nahulog ka rin sa'kin." Si Ivan yan. Nakangiti pa habang sinasabi yun! Napaayos naman agad ako ng tayo at lumayo sa kanya. Anong nahulog din ako sa kanya? Anong meaning niya dun? "A-ano... s-salamat... s-sige... a-alis na ako." Kinakabahan kong sabi. Hahakbang pa lang ako pero nahawakan na niya ang kamay ko, "Di ka na makakatakas sa'kin Marijoe." "Bitawan mo nga ako! Papunta pa akong library!" Sabi ko habang pumipiglas ako sa kanya. Mahirap na. Baka mapaamin pa ako ng wala sa oras. Bigla naman niya akong tinulak pero hindi naman malakas. "ANO BA?!" Sigaw ko sa kanya. Ayan na naman siya sa panunulak sa'kin eh! "Bakit ka ganyan? Ilang beses na kitang tinutulak pero di ka pa rin nahuhulog sa'kin?" Mahina niyang sabi pero sapat na para marinig ko. "H-huh?" Sabi ko. Di ko kasi gets. "Alam mo ba kung bakit kita laging tinutulak? Nagbabakasakali lang naman ako na baka mahulog ka rin sa'kin eh. Pero mukhang malabo yata. Lagi mo kasi akong sinisigawan, lagi kang pagalit.... kaya di na ako umaasa." Malungkot niyang sabi. O____O "EH TANGA KA NAMAN PALA EH! MATAGAL NA AKONG NAHULOG SA'YO! DI MO NAMAN AKO SINALO!" Sigaw ko sa kanya habang hinahampas ko siya. Nakakainis kasi! "Aww! Aray! Masakit!" Sabi niya habang pinipigilan ako sa paghampas ko sa kanya. Natagumpay naman siya, "Talaga? Nahulog ka na sa'kin?" "Ayaw mo ata, aakyat ulit ako." Sabi ko habang nakatungo. Nakatitig kasi sa'kin >///////< "Hindi ah! Tumingin ka nga sa'kin!" Sabi niya tapos hinawakan ang baba ko para maitunghay ang mukha ko. Eye to eye na kami ngayon. "Mahal kita." Sinabi niya yun nang nakatingin ng diretso sa mata ko tapos nakangiti pa >/////////< TAE!!! KINIKILIG AKO!!! >//////////////////////////////////////////////////< Napaiwas naman ako ng tingin tapos yuyuko ulit ako pero pinigilan niya ako. o_O Teka nga muna....... "Mahal ka dyan? Eh kanina lang may yakap kang babae!" Sigaw ko sa kanya. O____O Seriously? Nasabi ko yun? Shet! Nakakahiya! /(>_<)\ "Anong-----------------pfft---------------- HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!" Lumayo siya ng konti sa'kin tapos tumawa ng WAGAS! ARGH! ANONG NAKAKATAWA SA SINABI KO?! Tiningnan ko lang siya ng masama habang tumatawa pa rin siya na para bang wala ng bukas =_= Buti naman at medyo tumigil na siya sa pagtawa. Sayang, di pa natuluyan! Kainis kasi eh! Tama bang pagtawanan ka na lang bigla? "Teka... nakita mo kami?" May halong pagtataka yung boses at mukha niya pero natatawa pa rin siya =_= "Napadaan lang ako." Palusot ko. Bigla siyang ngumiti at hinawakan ang balikat ko, "Silly. Si Iannna yun... umiiyak kasi nagbreak sila ng boyfriend niya. Kapatid ko si Ianna kaya wag ka nang magselos dyan." O______O KAPATID?! SERIOUSLY?! "Abnormal ka... pagselosan ba naman ang kapatid ko?" Natatawang sabi niya sa'kin. Malay ko ba? =_= "Di ako nagseselos, asa." "Hindi raw? Eh bakit ganun ang itsura mo kanina?" Nakangiting sabi niya sa'kin. "Hoy ikaw... akala ko ba iniintay mo akong mahulog sa'yo? Eh bakit di mo ako nakita?" Pag-iiba ko ng usapan. "Ang liit mo kasi :D" Pang-aasar niya. "NAGSALITA ANG HINDI!" Sigaw ko. Bakit? Maliit din naman siya ah! Matangkad lang ng isang dangkal sa'kin! "Joke lang... ang tagal mo kasing mahulog eh. Kaya siguro di ko napansin. Nagtago ka ata." Sabi niya habang hinahawakan ang kamay ko. "Napagod ka sigurong maghintay." -ako- Nagsimula na kaming maglakad habang magkahawak-kamay. "Siguro...pero di naman ako napagod na mahalin ka." Nakangiting sabi niya sa'kin. Napangiti na lang din ako. Akalain nyong.... sa simpleng panunulak lang niya sa'kin eh magkakatuluyan pala kami? Salamat sa paulit-ulit na panunulak niya dahil nahulog ako sa kanya ^_^ END... Yihee! Tapos na! Haha! Ipagpaumanhin po kung panget yung isturya :D Nandyan nga po pala ako... hulaan nyo kung sino :D