Sinubukan ko lang magtype gamit ang cellphone, kaya trip ko lang po ito, ipagpaumanhin kung mapanget :D Dedicated sa kanya kasi nagandahan daw siya dun sa isa ko pang one shot na Tulak XD Click the external link kung gusto nyong mabasa :D ================= "Yelle! Nagreview ka na?" Bungad sa akin ng kaklase ko, seatmate to be exact na si Haeckel. "Review? Saan?" Nakakunot-noo kong tanong nung maibaba ko na ang bag ko. "Hala! Bakit hindi mo alam?!" Exaggerated na tanong ni Haeckel. "Saan ba?" Nakakunot-noo ko pa ring tanong habang binubuksan ang bag ko. "Physics." Tipid na sagot ni Haeckel. Literal na nanlaki ang mata ko. Bakit hindi ko alam yun?! First period kaya namin ang Physics! Oo, unang period pa lang pinapatay na agad kaming mga estudyante, kainaman yan. "Bakit ngayon mo lang sinabi?!" Sabi ko at dali-daling kinuha ang notebook ko sa Physics. "Di kasi nakikinig kahapon." Umiiling na sabi ni Haeckel. "Hayaan mo na, test paper naman, may multiple choice kaya pwede kang manghula." Natatawang sabi niya. "At isa pa, matalino ka naman! Sisiw na sa iyo yun!" "Sisiw ka dyan? Ay huwag ka na ngang maingay at nagrereview ako." Suway ko sa kanya. "Magreview ka rin kaya ano?" Ngumisi naman siya at tinuro or itinuon? yung hintuturo niya sa may sintido niya. Ying parang porma ba ng matalino, yun. "Stock knowledge." Matalino naman talaga ang isang 'to eh. Minamani lang ang Physics -_- Ako? Semi lang XD "Stock knowledge raw." Pang-aasar ko sa kanya. "Huwag kang gagaya sa akin mamaya." Nagkibit-balikat lang si Haeckel. "Ikaw ang bahala." Nahampas ko siya nung notebook ko. "Ang yabang talaga!" Pareho na lang kaming natawa. *** "Good morning class." Andyan na pala si Sir Physics. Nasa 3/4 pa lang ang narereview ko. >.< "5 minutes review." Sabi ni Sir pagkaupo niya sa table sa harap. 2nd Monthly exam kasi namin next week eh wala raw si Sir next week kasi may importante raw siyang pupuntahan. Sus, if I know, maghahanap lang ng chicks si Sir :D 2 years pa lang naman simula nung makagraduate ng college si Sir kaya bata pa :D Kaya pala nalimutan ko ang magreview eh kasi nangulit nga pala si Haeckel sa akin kagabi. Yung moment na magrereview ka na tapos bigla siyang tumawag, ayun, nakalimutan ko na ang magreview. Oo na, mahal ko nga itong seatmate ko -_- Huwag nga kayong ngumiti, napapangiti rin ako eh -///- "Ayiiee, tapos nang magreview kaya nangiti na." Pang-aasar ni Haeckel sa akin. "Ano, magkano? Sa matataasan pa kita?" Panghahamon ko sa kanya para maitago ko yung kaba ko. Eh kasi naman, medyo malapit ang mukha niya sa'kin tapos nakangiti pa. Ang gwapo kaya >///> Tumingin na siya sa unahan pero nakangiti pa rin. "Huwag na pala, ayaw ko ng pera, marami na kami nun." "Napakahangin talaga eh." Pang-aasar ko sa kanya. "Huwag na lang pera, iba na lang. Saka ko na lang sasabihin 'pag may result na." Lumingon siya sa'kin at ngumiti. "Baka kung ano yan ha." Panghihinala ko sa kanya. "Di ah." Tanggi niya agad. "Pareho pa nga tayong makikinabang." Natatawa niyang sabi. "Close all your notebooks and books." Tumayo si Sir Physics Semi kinakabahan ako kasi rush review ang ginawa ko, di ako satisfied. Ipinamigay ng ang mga test papers at medyo nakahinga ako ng maluwag kasi yung mga nabasa ko eh kasama dun sa mga tanong. Nasa part three na ako ng exam nung biglang pinatong ni Haeckel ang test paper niya sa test paper ko. Napalingon ako sa kanya. "Anong problema mo?" "Sagutan mo." Nakangiti niyang sabi sa akin. Nanlaki naman ang mata ko. "Sagutan?! Seryoso ka? Akala ko ba may stock knowledge ka dyan?" Nag-quote pa ako nung mabanggit ko ang salitang stock knowledge. "May pangalan ko yan so required kang sagutin ako." This time, naka-smirk na siya. @_@ Teka, di ko nagets. "Bakit naman kita sasagutin? May itinanong ka ba?" Inosente kong tanong sa kanya. Napabuntong-hininga siya. "Basahin kasi muna diba?" Muli akong napatingin sa test paper niya at may nakasulat dun na... "Will you be my girlfriend? A. Yes B. Of course C. Why not D. All of the above" Hindi ko alam kung bakit pero napahagalpak ako ng tawa. Ewan! Naghalo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Tuwa, kilig... ah basta! "Ms. Sanchez, may nakakatawa ba sa mga tanong na nakasulat sa test paper?" Paktay.. yari ako ni Sir. "Sir! Tinawanan lang po ni Yelle ang tanong ko." Nagtatampong sabi ni Haeckel. "Ms. Sanchez." Warning tone ni Sir. Bakit feeling ko may alam si Sir Physics dito? OoO "Sir ito po ang tanong ko kay Yelle. Will you be my girlfriend? Yes, of course, why not, or all of the above. Wala naman pong nakakatawa dun diba?" Binasa pa talaga yung tanong! Nakakahiya! "AYYYYIIIEEEE!!!" Malakas na hiyawan ng mga kaklase ko. Nakatungo lang tuloy ako habang nakayuko. Sobrang pula na siguro ng mukha ko! >///< "Ms.Sanchez, wala ka bang balak sagutin ang taning ni Mr. Israel?" Di ko alam kung seryoso o hindi yung pagkakatanong ni Sir. Seryoso yung boses pero nakangiti. Teka? May ganun ba? "Well, no choice ka nga pala.Kahit pangalan mo, YES din, Ms. Yelle E. Sanchez". Nakangiting sabi ni Haeckel. May choice pa nga ba ako? Alangang tanggihan ko pa ang grasya? XD Tumayo ako at humarap sa kanya, "No choice nga, kasi kahit pangalan mo nagsasabi rin ng YES, Mr. Haeckel A. Israel". Hai ang initials niya eh, Japanese word for yes. Ngumiti naman ng sobra si Haeckel na kulang na lang ay mapunit ang mukha niya sa pagkakangiti. Nagulat na lang ako kasi bigla niyang hinawakan ang dalawang kamay ko at tumingin ng diretso sa mata ko. "I love you Yelle. Sobra." Sincere niyang pagkakasabi sa akin. Ngumiti rin naman ako at tumitig din sa kanya. "Mahal din kita Haeckel." "O sya, ngayong nakaamin ka na Haeckel magsagot na ulit kayo ng test nyo. Akala mo makakalusot ka ha?" Biglang sangat ni Sir. Napatawa naman kami ni Haeckel at umupo na. Gumawa pa kami ng eksena rito. Nakakahiya. "Kinasabwat mo si Sir noh?" Tanong ko habang nagsasagot na ulit. "Baka di na ako makaamin kung di pa ngayon eh." Nakangiting sagot naman niya sa akin. Lahat ng estudyante, ayaw dumating ang examination day.Pero kung ganito naman ang mangyayari tuwing examination day eh di ayos lang sa akin kahit araw-araw pa may exam :"> END... Bwahahaha! Ampanget po ano? Pasensya na ^_^V