Potassium Na-tip ko lang po yan sa mga kaklase ko, haha! Gusto kong gumawa ng one shot eh, trip ko lang, kaya ipagpaumanhin kung masama :D Enjoy! *insert EXO-M's History (Listen~ Enjoy the mayo~)* Bwahahahaha! Huwag nyo pong iplagiarize, salamat! :) ============================================================== "Oh my God......." "Tara na girls, so creepy here..." "Andyan na si ugly duckling! Tara na!" *sighs* Napabuntong-hininga na lang ako habang nakatungong naglalakad. Ano pa bang bago? Lagi namang ganito ang eksena kapag papasok ako eh. At dahil nga ako'y nakatungo habang naglalakad, di ko namalayan na may nakabangga pala ako. Nalaglag yung mga libro kong dala..... pati na rin yung salamin ko. Dali-dali naman akong umupo para makuha ko yung mga gamit ko, "A-ano..... p-pasensya na.... p-patanga-tanga ako..." Whoa.... pistaan ba naman ang sarili ko? "Okay lang yun." Yung nakabangga ko------------------------------------ O_______O Shoot. Kilala ko ang boses na yun...... si ano yun.... si Airwin Tolentino.... ang Campus Hearthrob. Kung kanina.... Libro at salamin ko lang ang nabanggit kong nahulog.... pati pala puso ko nahulog na rin (Woot! Kurne) Napatingin ako sa kanya. Napatingin din siya sa'kin. Nagkatinginan kami. At nagkatinginan ulit kami. Titigan contest?! Napaayos ako ng buhok ko dahil humara sa kanan kong mat------------------------------- ANAKNG---------------------------- DI KO PALA SUOT YUNG SALAMIN KO! Agad naman akong yumuko at hinanap yung salamin ko. Pagtingin ko, hawak pala niya. Kaya naman agad ko yung hinablot saka dali-daling tumayo at umalis. Ay ang tanga-tanga ko naman! Nakakahiya! Natitigan ako ng taong matagal ko nang minamahal ng palihim! Kahit na...... alam kong imposibleng maging kami. *sighs* *** Lunch break na. Kasama ko ngayon yung best friend kong si Aishie. Di tulad ko, sobrang ganda naman niya, isa siyang dyosa *bow* Di naman nakaligtas sa kanya ang mga tingin na ibinibigay sa akin ng bawat babae na madaanan namin. "Bakit kasi di mo pa alisin yang salamin mo? Yan tuloy, lagi kang nabu-bully." Sabi ni Aishie habang sinasamaan din ng tingin yung mga babae :D "Sus, ayaw mo nun? Feeling heroine ka, lagi mo akong pinagtatanggol :D" Natatawa kong sabi sa kanya. "Eh kasi naman best friend, sa katunayan eh mas maganda ka pa sa mga etchuserang palakang mga yan. Actually kahit nakasalamin ka super ganda mo pa rin." Sabi ng dakilang si Aishie. Di naman talaga malabo mata ko eh, trip ko lang magsalamin. Eh kasi sa panahon ngayon, itsura na lang ang basehan sa pagmamahal. Kaya nga ginawa ko ito sa sarili ko para malaman ko kung may magmamahal pa sa isang "ugly duclikng" na gaya ko. Napaka-hopeless romantic ko noh? "Here's Ms. Potassium girls!" "Potassium naman talaga siya." "Asa pa siyang papansinin siya ni Airwin, DUH! Labong magkagusto sa isang ugly duckling si Airwin!" "I know right. Kaya nga napaka-potassium niya." "HOY! SINONG POTASSIUM HA?! BAKA KAYO! MGA PALAKANG 'TOH, KAYO ATA ANG MAY KAILANGAN NG SALAMIN EH!" Sigaw ni Aishie. Nanahimik naman lahat. Ako? Nakatungo, as usual. Potassium ako? Shetness lang. Bigla akong hinawakan ni Aishie at pinaharap sa mga nasa corridor, "Ito? Ito ang sinasabihan nyo ng potassium? Eh kayo nga ang mga potassium dyan! Mga p*ta na assuming na akala mo mapapansin ni Airwin! Labo sa sabaw ng pusit! Mga leshe kayo!" Oo... yun ang meaning ng potassium... p*ta na assuming. Assuming nga ako... Asa pa naman akong mapapansin nga ng isang Airwin Tolentino ang isang Iahlyn Sandoval. (A/N: I-ya-lin po pronounce nun :D) "Anong nangyayari rito?" Napatahimik lahat nung biglang dumating si Airwin. Nung mapadako ang tingin niya sa'kin, lumapit agad siya at hinawakan ako sa balikat ko, "Anong ginawa nila sa'yo potassium?" Napasinghap lahat, pati ako. Tae... pati ba naman ikaw Airwin?! Potassium ang tingin mo sa'kin?! Bigla na lang tumulo ang luha ko saka ko siya tinabig at tumakbo palayo. Ang sakit lang.... yung mahal mo... potassium din ang tingin sa'yo? Tang*na yan! Huminto ako sa likod ng isang building at dun ako umiyak nang umiyak. Nakakainis! Bakit sa kanya pa kasi ako na-in love? Bakit ang unfair? Bakit kung sino pa yung mahal mo, siya pa yung nananakit sa'yo? Bakit di pwedeng pag mahal mo yung isang tao, automatic mahal ka na rin niya? Bakit ganun?! Patuloy pa rin ako sa pag-iyak hanggang sa maramdaman ko na may nagtunghay sa mukha ko at tinanggal ang salamin ko, "Lalabo ang salamin mo dahil sa luha mo." Tapos pinahid pa niya yung luha ko. Tinabig ko yung kamay niya at tatayo na sana para umalis ulit pero this time nahawakan na niya ang braso ko para di ako makatayo at makaalis. "Ano ba Airwin! Bitawan mo nga ako! Di pa ba sapat sa'yo na napahiya mo na ako sa harap ng maraming tao?!" Sigaw ko sa kanya. "Pinahiya kita? Kailan?" Tanong niya sa'kin. Hirap talaga pag walang pakialam ang kausap mo! >.< "Kanina lang naman! Tinawag mo lang naman akong potassium sa harap ng maraming tao!" "Huh? Tama naman di'ba? May masama ba sa potassium?" Parang tangang tanong niya ulit. AHHHHHHH! Nakakainis na! SWEAR. "Do you have any idea kung ano ang meaning ng potassium ha?!" Sigaw ko ulit sa kanya. "Oo naman." Sagot niya. "Alam mo naman pala eh! Kaya pinahiya mo talaga ako kanina!" Sabi ko sabay tulak ng malakas sa kanya para makaalis. Nakakatatlong hakbang pa lang ako nung nagsalita siya ulit, "Ang ibig sabihin ng potassium para sa'kin ay 'ai'. Paanong ipinahiya kita sa lagay na yun?" Napahinto ako sa paghakbang. Ai? Ang ibig sabihin nun ay LOVE sa Japanese. Naramdaman ko na lang na pinihit niya ako paharap sa kanya, "Ang atomic number ng potassium ay 19. Sa alphabet, ang unang letter ay A at ang ika-9 ay letter I. Tamang-tama sa initials natin, A at I. Kung alam mo lang Iahlyn, ang tagal na kitang minamahal. Ilang years nga ba yun? Simula nung nagsalamin ka, tanda mo pa ba?" Simula nung nagsalamin ako? 6 years na akong nakasalamin. So meaning, 6 years na rin niya akong mahal? o . O "Oo... ganun katagal na kitang mahal... Tapos nung nagkalakas ako ng loob na masabi at makausap ka, bigla mo naman akong tinakbuhan." Nagtatampong sabi ni Airwin. Natawa naman ako ng konti habang pinapahid yung luha ko, "Eh kasi po, may iba pa pong meaning yun... p*ta na assuming. Alam mo bang assuming nga ako? Paano nga naman mapapansin ng gaya mo ang isang tulad ko? Sikat ka, habang ako sikat dahil palagi akong binu-bully. Para kang bituin... gustung-gusto kitang maabot pero hanggang tingin lang ako." "Isa akong bituin? Well, falling star to be exact.... dahil nahulog ako sa'yo." Niyakap naman niya ako, "I love you Iahlyn Sandoval." Niyakap ko siya pabalik, "I love you too, Airwin Tolentino." "Isuot mo pa rin yung salamin mo ha?" Sabi niya tapos hinawakan niya ang mukha ko. "Bakit? Para lagi akong mabully?" Naka-pout kong tanong. Kinurot naman niya ang ilong ko, "Silly. Masyado kang maganda. Baka agawin ka nila sa'kin. Saka mo na lang tanggalin kapag tayo lang dalawa." Sinuot niya sa'kin yung salamin ko. Napangiti naman ako. Sinong mag-aakala na... ang isang hopeless romantic na gaya ko.... ay magkakaroon talaga ng happy ending gaya sa mga fairy tales? :) END.... ============================ Bwahahaha! Natatawa ako sa nagawa ko :D PTL eh :D Wala eh, trip ko lang... Sana napagtyagaan nyo :D