PANGARAP KA NA LANG BA? (One Shot) Di po ako makatulog nung maisip ko ito... si Luhan kasi! Ayaw tantanan ang isip ko :D Chos! Don't plagiarize, thank you! :) ================================ *sighs* "Lalim ng buntong-hininga natin ah?" Sabi ni Rania na umupo sa tabi ko, may hawak siyang Mogu-Mogu. Inagaw ko yung Mogu-Mogu at uminom, pero sa kanya pa rin ako nakatingin. "Hanggang pangarap na nga lang yata talaga ako." Nakita ko sa peripheral vision ko na sinundan niya ang tingin ko. Si Lake na naglalaro ng soccer ang tinitingnan ko. Hinawakan naman ni Rania ang balikat ko, "Reign, 2 years mo nang pinapangarap ang lalaking yan. Iba na lang please?" Napabuntong-hininga ulit ako. Oo, 2 years ko na ngang pinapangarap si Lake. Pero, di man lang niya ako napapansin, ni hindi nga ata niya ako kilala. Paano namang makikilala niya ako, I'm just a... nobody here. I mean, isa lang akong simpleng estudyante na di katalinuhan at di rin kagandahan pero may angking kabaitan. Woot! Sabi nila yan :D Hindi pa ganun kakapal ang mukha ko para magconfess sa kanya. Hello? Dalagang Filipina pa rin ako noh? Kahit gaano pa ako kapatay na patay dyan gusto ko lalaki pa rin ang gagawa ng unang move. Kung hindi siya gagawa ng move, eh maano naman kung tumanda akong dalaga? Hayaan nyo na ako... di naman kayo eh. Isa pang buntong-hininga. Lake... pangarap ka na lang ba talaga? Pangarap na kahit kailan ay hindi ko maaabot? "Tanga kasi ng puso ko... pati yung may-ari tanga rin." Sabi ko saka ibinalik na sa kanya yung Mogu-Mogu. Hindi naman tinanggap ni Rania, "Ay huwag na Reign! Ikaw na ang unang nakainom eh, sa'yo na. Libre ko sa'yo." Sarcastic na sabi ni Rania. Napatawa naman ako, "'To naman, babayaran ko naman eh." Kinuha ko ang wallet ko sa bulsa ko. Free time naman eh, kaya andito kami sa labas. Para na rin mapanood ko si Lake maglaro ng soccer. Busy ako sa pagkuha ng pera ko sa wallet ko nung may marinig kaming sumigaw. "MISS! ILAG!!!" Huh? Pagtunghay ko, lahat sila nakatingin sa amin. Nagkatinginan kami ni Rania. Pagtingin namin sa taas... *Boink!* Nasapul ako sa noo. Shet, madali pa naman akong mahilo 'pag natatamaan ang ulo ko. Kaya ayan, napatumba ako. Half-closed na yung mata ko, nahihilo talaga ako, parang mawawalan ako ng malay. "Hala? Reign! Reign! Gising! Huy!" Yugyog sa'kin ni Rania. "T-teka... a-ayos lang ba siya?" Rinig kong may boses-lalaki na nagsalita. "Bulag ka ba o sadyang tanga ka lang?! Tingin mo, ayos lang siya?!" Sigaw ni Rania dun sa lalaki. Di ko makilala yung lalaki, blurred ang paningin ko eh. Nagulat na lang ako nung biglang binuhat ako nung lalaki. Di pa rin ako masyadong makamulat at makagalaw, nahihilo talaga ako. "Pakibugbog si Santiago para sa'kin!" Sigaw nung lalaki at nagsimula na siyang maglakad. Amoy na amoy ko naman ang pabango niya. Teka... parang pamilyar sa'kin 'tong amoy na 'to, di ko lang matandaan kung sino. "Bakit kasi dun ka pa umupo eh." Sinesermunan ata ako ng taong 'to ah! "Kyaaaaa! Ang sweet! "Ayyyiiieee! Ang swerte naman nung babae." "First time kong makitang ganyan ka-worried ang taong yan." Yun yung mga naririnig kong usapan habang buhat-buhat pa rin ako ng taong 'to na di ko kilala. Sino ba kasi 'to? "I swear, mapapatay ko talaga ang Santiagong yan pagkatapos nito." Bulong ulit niya na rinig ko naman. Naramdaman ko na lang na nakahiga na ako sa kama at inaasikaso na ako ni Nurse Joy, school nurse namin. "Huwag nyo pong sabihin na ako ang nagdala sa kanya rito." Sabi nung lalaki. "Umamin na kasi... patorpe-torpe pa." Natatawang sabi ni Nurse Joy. "Oh, Rania, huwag daw sabihin ha?" "Tsk, umamin ka na. Matutuwa ka rin naman sa isasagot ni Reign eh." Boses ni Rania yun. Yun lang ang huli kong narinig dahil tuluyan na akong nakatulog. *** -_o o_- o_o O_O Hala!?!?! Gaano katagal akong nakatulog?! Napabangon tuloy ako bigla kaya medyo sumakit ang ulo ko at napahawak ako dun, "Awww." "Oh! Gising ka na pala!" Paglingon ko, si Rania pala na may dalang pagkain. "Kain ka muna, tanghalian na." Inabot niya sa'kin yung pagkain. "Kaya mo ba?" Tumango ako, "Yeah, di naman ako baldado eh." "Gising ka na nga, namimilosopo ka na." Sabi ni Rania at umupo sa upuang kalapit na kama na hinihigaan ko. "Kumusta pakiramdam mo?" "Medyo masakit pa ang ulo ko." Sabi ko at hinawakan na yung kutsara at tinidor, "Tatlong oras pala akong nakatulog. Kainaman naman yung nakatama ng bola sa'kin." "Muntik na nga ring maisugod dito yung nakatama ng bola sa'yo." Sabi ni Rania kaya napalingon ako sa kanya. "Ha? Bakit naman?" Nagsimula na akong sumubo. "Muntik nang bugbugin ng prince charming mo." Kinikilig na sabi Rania. Napatigil naman ako sa pagsubo, "Prince Charming ko? Si Luhan? Pumarine?" Gulat kong tanong kay Rania. "Gagi! Si Luhan bang... nasa Korea yun!" Biglang sabi ni Rania. "Eh sino yung Prince Charming ko?" Nagtataka kong sabi. Bigla naman akong may naalala. "Rania, kilala mo ba yung nagbuhat sa'kin papunta rito?" "Alam mong may nagbuhat sa'yo?" Gulat na tanong ni Rania. "Malamang naman! Alangang kinaladkad ako papunta rito." Naniningkit ang mata ko na sabi ko kay Rania, "Half-awake ako kanina. Di lang talaga ako makamulat kasi sobrang nahihilo ako. Di ko siya mamukhaan eh, pero familiar yung boses niya." "Eeeeecccckkkk!" Bigla akong napalingon kay Rania. Nagpipigil ng tili ang bruha. "Huy! Para kang baluga! Problema mo?" Tanong ko sa kanya. "Wala." Nakangiting sabi niya pero kinikilig pa rin, "Kinikilig lang ako!" "At bakit ka naman kikiligin, aber?" Nakataas ang isang kilay na tanong ko kay Rania. "Bastaaa~" Kinikilig pa ring sabi niya. "Kung di kita kaibigan, iisipin kong may sayad ka sa utak =_=" Sabi ko habang umiinom ng tubig. "Ehem." Napalingon kami ni Rania sa tumikhim. O_______O Anong ginagawa niya rito?! Tumayo naman si Rania na may nakakalokong ngiting nakaplaster sa mukha niya, "Oh siya... maiwan ko muna kayo ha? Dapat bago kayo lumabas dito... nag-level up na kayo. Babush!" "Teka Ran---------" Wala na... nakaalis na siya. Napatingin ulit ako sa kanya. Pero nag-iwas ulit ako ng tingin kasi nakatitig siya sa'kin. Napayuko tuloy ako, tae... namumula ata ako. Inilagay ko muna yung pagkain sa kabilang kama. Alam ko kasing di ako makakakain dahil nandito siya. "Bakit di mo inubos ang pagkain mo?" Hala? Ang bilis naman niyang maglakad, andun na pala siya sa kabilang kama at nakaupo... nakatingin na naman sa'kin. >///< "Ah... m-mamaya na ulit ako kakain." Mahinang sagot ko. "Sorry nga pala sa nangyari kanina." Rinig kong sabi ni Lake. Opo mga kaibigan, si Lake ang kausap ko ngayon. Tae yan >//> "Ayos lang yun... di mo naman sinasadya." Ang hina ng boses ko, shemaynes! "Si Green Santiago ang nakatama sa'yo." Tipid na sabi niya. "Bakit ikaw ang nagso-sorry?" Napatingin tuloy ako sa kanya ng wala sa oras. "Eh, di kita naprotektahan eh." Umiwas siya ng tingin. "Huh?" Naguguluhan kong sabi. "Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Pag-iiba niya ng topic. "O-oo, medyo nasakit pa nga lang ang ulo ko." Sagot ko. *Katahimikan* Ang awkward naman, sobrang tahimik. Ang maririnig mo lang eh yung tunog na nililikha ng aircon. "Reign..." Bigla akong napalingon sa kanya. Alam niya ang pangalan ko?! Di nga?! O__o "M-may... sasabihin sana ako." Sabi ulit niya na parang nahihiya. Bakit naman siya mahihiya sa'kin? Di'ba dapat ako ang nahihiya? Tumayo siya bigla at umupo sa gilid ng kama na hinihigaan ko. Nagulat ako nung bigla niyang hinawakan ang dalawang kamay ko. >/////< KINIKILIG AKO. "Reign dela Vega." Huminga siya ng malalim sabay tumingin ng diretso sa mata ko. "Mahal kita. Mahal na mahal." Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. DI NGA?!?! Tama ba yung narinig ko o panaginip lang 'to?! Baka after shock ito ng pagkakatama ng bola sa ulo ko? Eh kasi naman... 2 years ko na siyang mahal at alam kong hanggang pangarap na lang ako sa kanya. Kasi nga di'ba, simpleng estudyante lang ako? Lagi ko pa ngang pinapatugtog ang kantang Pangarap Ka Na Lang Ba, kasi naman, sapul na sapul ako ng kantang yun. "Sa katunayan, matagal na kitang mahal. Di ko lang masabi kasi nahihiya ako. Pero Reign... maniwala ka. Mahal kita, sobra." Sabi ulit ni Lake na hindi inaalis ang pagkakatingin sa mata ko. "T-totoo? B-baka... nananaginip lang ako." Nakapagsalita na rin ako sa wakas. Bigla siyang ngumiti at hinalikan ang kamay ko. "Di ka nananaginip." Hinalikan naman niya ang noo ko at nakipagforehead to forehead sa'kin. "Totoo ito, okay?" Pakiramdam ko, ang pula-pula ko na talaga. Shetness... mas gwapo pala ang lalaking 'to pag ganito siya kalapit! >////< "Lake Garcia." Ngumiti siya nang tinawag ko siya sa full name niya. Sinalubong ko ang titig niya sa'kin. "Mahal din kita. Matagal na." Mas lalong lumapad ang pagkakangiti niya at kitang-kita ang kasiyahan sa mata niya. "Talaga? Talaga?" Napatawa naman ako, "Oo nga. Ayaw mo ata, babawiin ko na." Niyakap naman niya ako. "Huwag naman. Tagal kong hinintay 'to eh." Bumitaw siya sa pagkakayakap sa'kin at hinalikan ako sa tungki ng ilong ko. "Di ako magte-take advantage sa'yo. Liligawan pa rin kita until you say yes." Napangiti ako. Nadagdagan tuloy lalo ang pagmamahal ko sa kanya. Napangiti rin siya. "Yown! Nagkaaminan din sa wakas!" Nagulat kami ni Lake at sabay na napalingon sa sumigaw. Si Rania. Bigla tuloy akong nahiya at tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawa kong kamay. Panigurado, aasarin ako nyan mamaya! Rinig kong napatawa si Lake at niyakap ako. Ramdam kong hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko. "I love you." Napangiti ako habang yakap pa rin niya ako. "I love you too." Sinong mag-aakala na yung lalaking pinapangarap ko lang dati ay yakap ako ngayon at mahal ako? -----END. [Author's Note: Wahahahaha! Ipagpaumanhin kung panget yung isturya XD Please leave some comments, it will help me to improve my writing skills :D Umi-ingles ako, pagbigayan nyo na, minsan lang :D]