GLIMPSE [Author's Note: Dedicated kay Paula Angelica Ayala! Haha! Naisip ko lang 'to nung pauwi na kami galing Unisan, Quezon eh, haha! Enjoy the story kahit na panget :D] Huwag nyo po sanang iplagiarize, salamat! :) ============================= "What is the reason, when you really could have any man you want, I don't see what I have to offer." "Malayo pa ba tayo?" Tanong ni Luhan kay Chanyeol. Si Chanyeol ang nagdadrive tapos sinasabayan yung kanta. "Mga... 30 minutes pa siguro." Sagot naman agad ni Chanyeol. "Bagalan mo pa ng konti ang pagdadrive, para mas marami akong makunan ng litrato." Sabi ko kay Chanyeol. "Baekhyun, ang bagal-bagal na nga natin eh. Dapat kanina pa tayo dun." Reklamo ni Chanyeol. "Yaan mo na, marami akong nakikitang chicks eh." Sabi ni Kai at kumaway pa sa mga babaeng nadaanan ng van namin. Sem break naman ngayon eh kaya magbabakasyon kami sa rest house nina Chanyeol. "I shouldn't be in season, guess you could see I had potential. Do you know you're my miracle?" Busy pa rin ako sa pagpipicture ng mga magagandang tanawing bawat madaanan namin. Ito ang gusto ko sa probinsya eh, sariwang hangin tapos ang ganda pa ng paligid. Di tulad sa lungsod, puro usok saka puro building -_- "Oh? Ba't tayo tumigil?" Nagtatakang tanong ni Sehun. Oo nga, tumigil yung van. "Na-flatan yung nasa unahan natin." Sabi agad ni Chanyeol. Mas maigi na itong nakatigil ang van para mas magandang mag-picture. Kukunan ko na sana ng litrato yung bundok sa may kabilang kalsada nung may biglang tumugil na bus sa tapat nun kaya naharangan yung bundok. Galing naman ng driver nito -_- Ibababa ko na sana yung DSLR ko nung mapansin kong nakatutok pala sa isang babae yung camera ko. Naka-earphones siya tapos parang cold na parang bored yung mata niya? Naiinip siguro sa biyahe. "I'm like a statue, stuck staring right at you. Got me frozen in my tracks." *click* Aksidente kong napindot yung click ng camera kaya nakunan ko ng picture yung babae. Nagulat kasi ako nung mapatingin siya sa may pwesto ko. Medyo naningkit yung mata niya pagkatapos ay tumingin na ulit sa unahan niya kasabay ng pag-andar ng bus na sinasakyan niya. Sinundan ko ng tingin yung bus hanggang sa mawala na yun sa paningin ko. "HUY!" "Tanggiba!" Mura ko. Nagulat kasi ako sa sigaw ni Luhan. "Problema mo?!" Singga ko sa kanya. "Tulala ka eh. May nakita ka yatang maganda?" Pang-aasar ni Luhan sa'kin. "Gag*." Nasabi ko na lang. Biglang pumalatak si Kris, "Patay! Na-lab at pers sayt yata!" Napakunot ang noo ko, "Pinagsasasabi nyo?" Inakbayan ako ni Lay, "Masaya kami para sa'yo dre." "Buti na lang pala at nagkayayaan tayong pumunta rito." Nakangising sabi ni Chen. "Manahimik nga kayo, mga sira-ulo." Sabi ko sa kanila. Pasimple kong tiningnan ang picture nung babae kanina. Nakatingin siya sa camera, medyo salubong yung kilay niya. Nagtataka siguro kung bakit nakatutok sa kanya yung camera ko :D But I found her... cute. Napangiti ako ng konti. Makikita ko pa kaya siya? Sana. *** *click* Nag-uuli ako ngayon para makapagpicture ng magagandang lugar dito. Ikalawang araw na nga pala namin sa rest house nina Chanyeol. Nandito ako sa may bayan, para makatikim na rin ng iba't ibang pagkain nila rito. "Paula! Naku, buti naman at napadaan ka uli rito." Rinig kong sigaw ng isang babaeng magtitinda kaya napalingon ako. Nakatalikod naman sa akin yung tinawag niyang Paula. "Busy po sa pag-aasikaso ng mga kailangan sa pagtatransfer ko ng school eh." Rinig kong sabi nung "Paula" nung medyo lumapit ako. "Ay kaswerte mong bata talaga, nabigyan ka ng scholarship. Aba'y maganda na ay matalino pa!" Puri nung magtitinda dun sa Paula. "Salamat po." Nasabi na lang nung Paula. "Pabili po ako ng 2 kilong lansones saka po 2 kilong rambutan." "Ay siya, libre na lamang at napakabuti mo namang bata." Di naman halatang tuwang-tuwa yung magtitinda kay Paula raw? :D Tiningnan ko yung sinasabi nung magtitinda na si Paula. Teka... siya yung babae sa bus kahapon ah? Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at natagpuan ko na lang ang sarili kong naglalakad papalapit dun sa magtitinda at kay Paula. "Ginoo! Bili ka na ng prutas, matatamis ang mga iyan. Heto, tikman mo." Bungad agad sa'kin nung magtitinda at inabutan ako ng lansones. "Ah... magkano po ba itong lansones?" Tanong ko pagkatapos tikman yung iniabot nung magtitinda. Matamis nga. "Tatlumpung piso isang kilo, hijo. Malalaki naman yan kasi galing pang Davao." Sagot nung magtitinda. "Ah, sige po. Pabiling 5 kilo." Sabi ko. Nagkilo naman agad yung magtitinda. Pasimple kong tinitingnan si Paula. Mas maganda pa pala siya sa malapitan. "Turista ka ba rito hijo? Ngangayon lang kita nakita rito." Tanong nung magtitinda habang kinikilo ang mga binili namin. "Oho, para naman po makasagap ng sariwang hangin." Nakangiting sagot ko sa magtitinda. "Aba, ay taga-siyudad ka pala? Saan ka nag-aaral?" Usisera si manang :D "St. Anne University po." Maikling sagot ko. "St. Anne University? Hindi ba't dun ka na rin papasok Paula?" Tanong ni manang kay Paula. Tipid na ngumiti tapos ay tumango si Paula, "Opo." "Aba, ay kagaling naman ng tadhana. Sa iisang paaralan pala kayo mag-aaral. Bagay pa man din kayong dalawa. Maganda at gwapo." Parang kinikilig na sabi ni manang. Pati ako, parang gusto kong kiligin. Takte, parang ang bading ng dating -_- Napatingin ako kay Paula, nakangiti siya. Saktong napatingin din siya sa'kin kaya nagkatinginan kami ng mata sa mata. Hindi ko alam kung anong sumapi sa'kin pero napangiti rin ako. "Diyos kong mga bata ire, ako'y may edad na ay pinapakilig nyo pa ako. Heto na ang mga binili nyo." Sangat sa amin ni manang. Sabay kaming nagpasalamat saka ko iniabot ang bayad ko. Naglakad na kami. Oo, magkasabay kami. Tahimik lang kaming naglalakad. "Lilipat ka sa St. Anne University?" Tanong ko sa kanya. Ang awkward kasi ng katahimikan eh. "Ah... oo. Nakatanggap ako ng scholarship eh." Sagot naman agad niya. Alam kong medyo naiilang siya sa'kin. "Ah, anong course mo?" Tanong ko ulit. "BSBA major in marketing management." Maikling sagot niya. "BSBA rin ako, financial management nga lang." Sabi ko sa kanya. "Ah." Sabi niya saka tumango-tango. "Marketing management pala major mo, dapat madaldal ka." Biro ko sa kanya. "Nakakailang eh, di naman natin kilala ang isa't isa." Nahihiyang sabi niya. Napatawa naman ako ng mahina saka huminto sa paglalakad. Huminto rin siya. Inalok ko ang kamay ko, yung makikipag-shake hands. "Baekhyun Byun nga pala." Tinanggap niya ang kamay ko at nakipag-shake hands. "Paula Angelica Ayala." Labag man sa loob ko pero binitawan ko na ang kamay niya. "Ayan, magkakilala na tayo." Natatawa kong sabi. Napangiti rin siya. "Oo nga. Pure Korean ka ba?" "Oo." Sagot ko at nagpatuloy kami sa paglalakad. "Eh bakit ang fluent mong magtagalog?" Medyo gulat niyang tanong sa'kin. "Dito ako lumaki eh." Kibit-balikat kong sagot. "Hobby mo?" Inginuso niya ang camera ko. "Yep, ang layo sa business ad noh?" Pagpapatawa ko. Napangiti siya, "Sobra." "Ate! Umuwi na raw tayo sabi ni Mama!" Sigaw nung lalaki habang papalapit sa amin. "Oo na," sabi ni Paula dun sa kapatid niya, siguro? Tinawag siyang ate eh. "Alis na kami, nice meeting you." Baling niya sa'kin. "Nice meeting you rin." Sabi ko sa kanya. Hinigit niya ang kapatid niya, "Tara na." "Ate, boyfriend mo yun?" Rinig kong tanong nung kapatid niya. "Sira ka, labo sa sabaw ng pusit. Di ako type nun." Rinig kong sabi ni Paula. Di ko raw siya type? Yun ang akala niya :D *** "KYAAAAA!!! ANDYAN NA ANG EXO!!!" "ANG GWAPO TALAGA NILA!!!" Napailing na lang kami ni Luhan, si Sehun at Kris naman di pinansin yung mga babae, sina Suho, Tao, Chanyeol, Xiumin, Chen, Kyung Soo at Lay nginitian lang yung mga babae samantalang si Kai talagang kinawayan pa at sinabihan ng "Hi girls". Pambihira -_- "Kailan kaya tatahimik ang pagpasok natin?" Sabi ni Luhan na bumuntong-hininga pa. "Pag pumangit ka." Pang-aasar ni Chen. "Huy, para kang tanga dyan, kanina pa lingon nang lingon, sino bang hinahanap mo?" Sabi ni Chanyeol na talagang binatukan pa ako. Napalingon lahat sila sa'kin. Ano na namang problema ng mga 'to? =_= "May iniirog ka na rito?!" Gulat na tanong ni Suho. "Ang sama naman ng term mo Suho." Nakapoker face na sabi ni Kris. "Pero, di nga? May nagugustuhan kang babae rito?" Tanong ni Kyung Soo sa'kin. Mukha man akong tanga pero napangiti na lang ako. Lahat ay napatampal sa kanilang mga noo. "Patay, tinamaan nga." Sabi ni Xiumin. "Kailangan nating makilala ang babaeng yun." Sabi ni Sehun. "HAHAHAHA!" Napalingon kami kung saan galing yung tawa. Kilala ko ang mga tawang yun. Tawa yun ng mga mean girls dito sa St. Anne University. "Nagustuhan mo ba ang welcome namin sa'yo, pathetic loser transferee?" Boses yun ni Shenzi, yung leader ng mean girls. Tiningnan ko kung sino ang binu-bully nila. Uminit agad ang ulo ko at nagdilim ang paningin ko nung makita ko kung sino ang babaeng binu-bully nila. How dare them! Mahina akong napamura tapos ay tumakbo palapit sa kanila. "What do you think are you doing to her?" Galit kong sabi kina Shenzi habang tinutulungan ko si Paula na tumayo. Oo, si Paula ang napag-tripan nila. Puro harina at may itlog pa talaga. Mukhang matapang si Paula, di man lang umiiyak. Ibang klase 'tong babaeng 'to. Inilabas ko ang panyo ko at pinunasan ko siya, "Are you okay? May iba pa ba silang ginawa maliban dito?" Umiling lang si Paula, "Wala. Ayos lang ako, di naman ako nasaktan." "What happened?" Sumunod pala sina Luhan sa'kin. "First day ng second sem ngayon yet may napag-tripan agad kayo. Ano bang utak mayroon kayo? Wala ba talaga kayong magawa sa buhay?" Harsh na pagkakasabi ni Kris. Tiningnan ko si Paula, baka may iba pa kasing ginawa sina Shenzi eh. At tama nga ako, may sugat ang tuhod niya. Damn it! Sa dami ng pagtitripan ng mga yun si Paula pa! "Tara sa clinic. May sugat ka sa tuhod." Sabi ko kay Paula. "Ayos lang yan. Malayo sa bituka yan. Tinapid ako ng mga yan eh." Medyo naniningkit ang mata niya nung sinasabi niya yan. Piningot ko ang ilong niya, ang kulit eh! Pilosopo pa. "Aray naman oh! Puro harina na nga ako with matching itlog pa at sugat tapos pipingutin mo pa ang ilong ko? Pango na nga ako, maawa ka naman." Sabi niya habang nakahawak sa ilong niya. Nginitian ko lang siya tapos ay hinawakan ko ang kamay niya. "All of you! May I have your attention please?" Sigaw ko dahilan para mapalingon sa amin ang halos lahat ng mga estudyante dun. Hinampas niya ang braso ko ng mahina kaya napalingon ako sa kanya. Sinamaan niya ako ng tingin na parang sinasabi niyang, "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Nginitian ko lang siya at muling bumaling sa mga tao, "See this girl? Ayokong may nananakit sa kanya o nagsasalita ng masama tungkol sa kanya. Sa'kin kayo mananagot. Maliwanag?" Binalingan ko sina Shenzi, "At kayo naman, kung ako sa inyo, maghahanap na ako ng ibang school na mapapasukan. You already get my point, right?" What? Tito ko ang may pinakamalaking shares dito sa school at Tita ko naman ang Principal. "Ayokong may ibang umaaligid na lalaki sa babaeng 'to, maliwanag? Because this girl..." Niyakap ko si Paula, "is MY girl. She's mine, and mine only. Are we clear?" Napatango na lang silang lahat. Di naman masamang maging possessive ah? :D "So, siya pala ang kanina mo pa hinahanap." Nakangising sabi ni Chanyeol. "Woot! Ang ganda!" Sabi ni Chen kaya sinamaan ko ng tingin. Tinaas naman niya ang kamay niya na parang sumusuko, "Joke lang, possessive mo naman." "Sigurado ka na ba kay Baekhyun? Andito lang naman ako." Parang tangang sabi ni Kai. Nagulat na lang ako nung binatukan ako ni Paula, "Sira-ulo ka! Kailan pa ako naging iyo? Ha?" Nakataas ang isang kilay niya nung sinabi niya yan. "Nung aksidenteng nakunan kita ng picture." Nakangising sabi ko sa kanya. "So dun palang may gusto ka na sa'kin?" Parang di makapaniwalang sabi niya. "Anong magagawa mo? Ang ganda mo eh." Sabi ko na dahilan para mag-blush siya. Hinawakan ko ulit ang kamay niya, "Kaya whether you like it or not, you're my girl now. Wag kang mag-alala, araw-araw naman kitang liligawan eh." It was just a glimpse of her, but she already caught my heart. -----END. [Author's Note: Bwahahahaha! Ang dami kong tawa habang ginagawa ko 'to. Ewan ko kung bakit :D Paula! Sensya kung pangit! Pero sana kinilig ka :D Hahaha!]