COTTON CANDY Pwede nga bang magsimula ang isang love story nang dahil lang sa cotton candy? Author's Note: Don't even dare to plagiarize this story, thanks! :) ======================= Nandito ako ngayon sa park, naglalakad-lakad. Kailangan ko kasing mag-isip. Tsk… ang hirap naman kasi ng sitwasyon ko ngayon. Bago ang lahat, ako ng pala si Clarenz Dick Montes, 4th year high school student. Ano pang gusto nyong malaman? Kung may girlfriend na ako? Isang malaking WALA…. At hindi pa ako nagkaka-girlfriend, NGSB kumbaga. Bakit? May mahal na kasi ako, pero malabong mahalin din niya ako kaya malabo ring maging kami. Oo, yan ang problema ko. In love ako. . . . . . . . sa BEST FRIEND ko. Hutang*na naman kasi… bakit sa dami ng babae sa mundo, sa kanya pa?! Alam ko namang para sa kanya di kami talo =_= Naging mag-best friend kami nung first year pa lang kami. Oo, best friend agad. Naghahanap daw siya ng best friend na lalaki. Hindi ko nga alam kung ano ang nangyari at pumayag ako. Basta nung makita kong ngumiti siya, napatango na lang ako ng wala sa oras. Potek! Ang korni ko dre =_= Siguro, noon pa lang may kakaiba na akong nararamdaman sa kanya. Paano ba naman kasi, tuwing hahawakan niya ang kamay ko para akong nakukuryente, ngiti pa lang niya bou na ang araw ko. P*ta! Di naman ako kumain ng cheese at mais, bakit ganito ang mga sinasabi ko? =_= *sighs* Pero sa tuwing ganun ang nangyayari, ako lang ata ang affected. Parang wala lang sa kanya. Tinurukan ata yun ng anaesthesia eh. Tahimik lang akong naglalakad nung biglang may humampas sa balikat ko. Alam na kung sino, sadista kasi yun kahit kailan. Bakit ko kaya minahal ang isang ito? “CD! Sabi ko na nga ba ikaw yan eh! Anong ginagawa mo?” –Dec (Des) “Naglalakad.” –ako- Pagkalingon ko sa kanya, kumakain siya ng cotton candy. Di ba siya nagsasawa dun? “Hmmp! Pilosopo ka na naman dyan! Ang cold mo pa, may problema?” –Dec- “Oo…. Ikaw.” Sabi ko ng pabulong. “Huh? Anong nisabi mo?” –Dec- “Wala… walang ulitan sa bingi.” –ako- “Amp naman! Di ako bingi! Ang hina kasi ng imik mo! Kainis ka! = 3=” –Dec- Yan si December dela Vega…. Ang best friend ko….. yung mahal ko. 4th year high school student narin yan pero may pagkachildish. Tsk, nagtataka talaga ako. Bakit ko kaya ‘to minahal? “Haha! Sorry na.” –ako- “Hmmpf! Ewan! Kainis ka!” –Dec- “Mhie naman… sorry na po please?” –ako- Tang*na… di ko talaga kayang tiisin ang babaeng ito. “Bahala ka dyan *pout*” –Dec- “Mhie ko… sorry na… bati na po tayo, please?” –ako- “adkskjdsdatdsds…” –Dec- “Huh?” –ako- “Wala! Sabi ko may favour akong hihingin Dhie ko.” –Dec- Bakit Mhie at Dhie ang tawagan namin? Mommy at Daddy daw. Oy! Siya ang nag-isip nyan di ako! Sa kanya ko nahawa yung pagiging korni =_= Malay ko ba dyan kung bakitMhie at Dhie. Common na daw yung tawagang best o kaya best friend eh. Psh, parang di common yung Mhie at Dhie :D “Magpapanggap ulit tayo?” –ako- Tsk… may naporma na naman sa kanya. Mga paking ata yung mga lalaking yun. Di makaintindi na ayaw sa kanila ni Dec eh! P*ta! AKIN LANG SI DEC! AKIN LANG! [Eh di iyo na, uwi mo sa inyo, tago mo sa cabinet, kumutan mo baka lamigin :D] “Ei… oo sana…. Kulit ni Marco eh.” –Dec- “ANO?! YUNG GAG*NG YUN NA NAMAN?!” –ako- Potek… nag-iinit yung dugo ko. Si Marco yung muntik nang mangmanyak kay Dec. Asa pa yung gag*ng yun. Ginawa raw niya yun kasi may gusto raw si Dec sa kanya. P*TA. ASA! Choosy sa lalaki itong si Dec noh! “Relax lang CD… oo yung gag*ng yun nga.” –Dec- “Dec… sinong may sabing mag-cuss ka?” –ako- “Eh bakit ikaw pwede? Tapos ako bawal?” –Dec- “Babae ka kasi… di bagay sa’yo.” –ako- “Psh…. Basta ha? Sa Lunes.” –Dec- “Oo na… matatanggihan ba kita?” –ako- ********** Lunes na. andito kami ni Dec sa ilalim ng puno. Wala lang, nakaupo lang. Lunchbreak naman eh. Nagkkwentuhan saka nagkukulitan lang kami. Kung di mo kami kilala, aakalain mong kami. SANA NGA…. KAMI NA LANG ( _ _) Nagtatawanan pa kami nung biglang may lumapit sa amin. Automatic namang kumulo ang dugo ko. Si Marco. “Hi December… free ka ba mamaya?” –Marco- “No.” –ako- “Pare, kailan ka pa naging si December?” –Marco- “Tol, para malaman mo…. GIRLFRIEND koi tong niyayaya mo, naiintindihan mo ba?” –ako- “Kailan ka pa niya naging boyfriend? BEST FRIEND ka lang niya *smirk*” –Marco- “HUTANG*NA! KABADTRIP ‘TONG TARANTAD*NG ITO AH! Ipamukha ba naman sa’kin?! Bullsh*t! “Bakit? Wala bang karapatan ang mag-best friend na maging mag-boyfriend?!” –Dec- Oo nga naman! Bwisit itong----------------------O____O si Dec ba nagsalita nun? “Sa pagkakaalam ko kasi, hindi naman kasalanan na ma-in love ang mag-best friend sa isa’t isa di’ba?” –Dec- “Oo nga naman pare. Ngayong alam mo na, na GIRLFRIEND koi tong pinopormahan mo, baka gusto mong tumigil na at lumayo sa amin kung gusto mo pang mabuhay ng matagal? Kung di ka pa rin titigil, itong kamao ko ang lalanding dyan sa mukha mong lubak-lubak at lalo ko pa yang papapangitin. Anong gusto mo ha?!” –ako- “May araw ka rin sa aking mayabang ka!” Sabin i Marco tapos dali-daling umalis. Napatingin ako kay Dec tapos bigla kaming napatawa! :D “Hahaha! Sayang! Di ko nakunan ng video o picture! Priceless yung mukha eh! Haha!” –Dec- “Akala ko siga yun? Bakit nabahag yung buntot? :D” –ako- “Natakot kasi sa’yo! Mukha ka kayang kakakain ng tao kanina :D” –Dec- “What the------SA GWAPO KONG ITO? MUKHA BA AKONG CANNIBAL?!” –ako- “Hahaha! Joke lang CD. Feel na feel mo naman kasi yung sinabi mo kanina………. Adlkajfsdakdssggkdaadd….” –Dec- “Huh? Ano yung huli mong sinabi?” –ako- Di ko naintindihan kasi binulong. “Haha! Wala! Ibili mo na lang ako ng cotton candy please?” –Dec- “Bakit parang baliktad? Dapat ako ang ilibre mo ah?” –ako- “Eeeehhhh! Sige na Dhie ko, please? *puppy eyes*” –Dec- “Tsk… nagpa-cute na naman, di naman cute.” –ako- “Di raw ako cute? Eh bakit namumula ka?” –Dec- O_o POTEK! Nahalata pa niya yun? Pag kasi nagpa-cute yan, namumula ako. Tang*na, parang bading lang -_- “bahala ka na nga. Dyan ka lang, bibili lang akong cotton candy.” –ako- Umalis na ako para bumiling cotton candy. Hutaena, tindi ng charms ng babaeng yun sa’kin eh. Favourite niya nga pala itong cotton candy. Tuwing hapon, pag pauwi na kami, pareho kaming nakain ng cotton candy pag naglalakad. Oo, tuwing hapon. Kaya kasalanan niya pag nagka-diabetes ako. Bumalik na ako dun sa pwesto namin at inabot ko na sa kanya yung isang cotton candy. Umupo na rin ako sa tabi niya at kinain na namin yung cotton candy namin. Malamang, alangang titigan lang namin yung cotton candy di’ba? =_= “Nalimutan mo na naman ang drinks.” –Dec- “Ha? Oo nga noh? Teka lang, bibili lang ako.” –ako- Tatayo na sana ako kaso pinigilan niya ako. “Ako na lang, libre ko na pati, nitulungan mo ako eh.” –Dec- Nginitian muna niya ako bago siya umalis. Tsk, na-hypnotize na naman ako ng ngiti niya. Napasandal ako sa sandalan nung upuan saka tumingala. Tang*na, habang tumatagal, patindi nang patindi ang nararamdaman ko kay Dec. Mabuti na lang at nasa ilalim ng puno itong upuan kaya di masyadong mainit. Wala ring masyadong estudyante na nagpupunta ditto kaya pwede kong ilabas itong nararamdaman ko. “Pambihira ka talaga Dec… bakit kaya ako na-in love sa’yo?” –ako- Alam ko, para akong tangang nag-eemote dito. WALANG PAKIALAMAN. Kung gusto mo mag-emote ka rin =_= “Nakakainis naman eh. Bilyong babae ang populasyon ng mundo , bakit yung puso ko ikaw pa ang pinili? Tsk, sagwa naman nitong pinagsasasabi ko. Kung naririnig mo ako ngayon baka pinagtatawanan mo na ako. Pero…. wala eh… sobrang mahal kita. Ano ba ‘to, kusa na lang nalabas sa bibig koi tong mga sinasabi ko.” –ako- Siguro kung may nakakakita sa’kin ngayon, iisipi nilang baliw ako. Oo, baliw ako…. Baliw na ako dahil sa kanya. “Ano bang ginawa mo sa’kin Dec? Ginayuma mo ata ako eh. Pagbigyan mo na akong magsalita dito, hindi ko kasi kayang sabihin ng harapan sa’yo eh, natotorpe ako. Yaan mo, witness ko naman itong puno saka itong cotton candy ko. Taena, nalabas ang pagkaduwag ko sa’yo. December dela Vega…. mahal kita….. mahal na mahal…. matagal na.” –ako- Napapikit ako ng mariin. Sana……. Kaya ko itong sabihin ng harapan sa kanya. *sighs* Psh, labo naman sa sabaw ng posit kung masabi ko ito ng harapan. “CD…………………………………” O_______O Bigla akong napamulat at napalingon kung saan nagmula ang boses na yun. Pagkalingon ko…….. F*CK!!! Nandun si Dec! kanina pa kaya siya dun? Narinig kaya niya yung mga sinabi ko?! Nakatayo lang si Dec dun…. Umiiyak pero….. nakangiti? Hala? Bakit kaya? Baka baliw na itong mahal ko? “D-Dec…. k-kanina ka pa ba dyan?” –ako- “H-hindi naman…” –Dec- “M-may narinig ka ba?” –ako- “Yung last part…. Yung last sentence lang….” –Dec- “Dec… a-ano kasi…. Di ko naman s-sinasadya na------------------“ –ako- Naputol yung pagsasalita ko kasi bigla siyang lumapit sa’kin at pinagsusuntok ako. Hala… galit ba siya? “Ang gag* mo talaga CD! Bakit ngayon mo lang sinabi?! Gag* ka! Ang tagal kong inintay na sabihin mong mahal mo ako tapos natotorpe ka lang pala?!” –Dec- “Aray ko! Ang sadista mo naman! Sorry na… wag ka nang magalit kung minahal kita eh sa------------------“ –ako- “Lechugas naman! Di mo ako na-gets?! MAHAL DIN KITANG TORPE KA!” –ako- O_____O Di nga? Tunay nga mga dre? Sabihin nyong di nagkamali ang pakinig ko at basa ninyo! “Oh? Bakit ganyan ang reaksyon mo? Ayaw mong maniwala sa’kin? LESHE! Dyan ka na nga!” –Dec- Patalikod na sana si Dec pero hingit ko agad siya at niyakap. “Dec naman… sorry na… parang…. Parang panaginip kasi.” –ako- “Pwes, hindi ka nananaginip Mr. Clarenz Dick Montes.” –Dec- “Oo nga…. Yakap kita tapos pwede ko pang gawin ‘to.” –ako- O///////////////////////O >>>>> mukha ni Dec Bakit naging ganyan ang itsura niya? Hinalikan ko lang naman :D Yun nga lang binatukan ako =_= “Ayan! Para matauhan ka! Lechugas! Nanghalik pa eh! >/////<” –Dec- “Sus! Nagustuhan mo naman eh *grin*” –ako- “Tumugil ka kundi babawiin ko yung sinabi kong mahal kita!” –Dec- Niyakap ko naman agad siya. “Di na po…. Teka… magiging under ata ako nito ah? :D” –ako- “Maiba ako… kailan mo pa ako minahal?” –Dec- “Nung first year pa… ikaw?” –ako- “First year din… kaya nga nakipag-best friend ako sa’yo eh.” –Dec- “AHA! May HD ka na pala sa’kin nun? :D” –ako- “ASA! Yabang mo…. Nayabang ka pala pag in love?” –Dec- “Haha! Mahal mo naman..” Tinitigan ko siya ng mabuti, “I love you Dec…. Mhie ko.” “I love you din po Dhie ko.” –Dec- THE END… [Author’s Note: Sensya po, yan lang nakayanan ng powers ko, hahaha! Kaadikan ko lang po sa cotton candy kaya ayan, haha! Comment po kayo! Salamat! ^___^]