Chocolate Author's Note: Please, alam kong panget ang stories ko pero wag nyo naman pong iplagiarize. Salamat! :) ========= “Sxhiena (Sheena)! Tara na sa cafeteria!” –ako- “Oo! Saglit lang!” –Sxhiena- “Grabe ka talagang makasigaw Hershey…. Haha!” –Sxhiela (Shiela)- “Ang bagal kasi ng kakambal mo… gutom na ako!” –ako- “Para ngang pagong yan :D” –Sxhiela- “Sinong parang pagong? =_=” –Sxhiena_ “Ay… wala Sxhiena… tara na?” –ako- Pumunta na kaming tatlo sa cafeteria… nga pala… I’m Hershey Kisses Valderama… 3rd year high school student. Unique ng name ko noh? Si Mama kasi… dun daw niya ako pinaglihi… pero yung white chocolate naman…. Kaya maputi pa rin ako XD Kaibigan ko yung kambal na Sxhiena at Sxhiela Sta. Maria… Grabe ang kambal na yan… Dinadamay nila ako sa mga kalokohan nila! Kaya pati ako nagiging lokaret na rin XD Nandito na kami sa cafeteria… obvious namang break time noh? :D Pumila na muna kami para bumili ng pagkain. Medyo mahaba nga yung pila eh. Nung turn na namin… O___O WAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!!! May Hershey kisses na na-sight ang aking eyes! Favourite ko yun! Kukunin ko na kasi isa na lang eh. Saktong pagkahawak ko sa Hershey, may naghawak din dun, ayun… nahawakan niya kamay ko. Pagkatingin ko…… O____O Si V-jay Rocher Quintos? “Sorry Miss pero nauna ako.” –V-jay_ O_____O Gwapo na sana eh…sama lang ng ugali =_= Sayang…. HINDI GENTLEMAN =_= Crush ko pa mandin siya kasi ang galing niyang mag-sepak takraw eh… kaso ganito pala ang ugali niya?.... HINDI KO NA SIYA KRAS. =_= “Excuse me? Mas nauna ako… kita mo namang hawak ko yung Hershey oh!” –ako- “Nagkataon lang na mahaba yang braso mo.” –V-jay- “Anong--------- ASAR KA AH!” –ako- “Bakit? Nainsulto ba kita? Mukha kang amazona eh. Kaya siguro humaba ng ganyan ang braso mo kasi palambi-lambitin ka sa mga bagin *smirk*” –V-jay- “Tss…. Tingnan mo nga naman… ganyan pala ang ugali ng crush DAW ng bayan na si V-jay? Head news ‘to *smirk*” –ako- “A-ano… pwede po bang sumangat sa usapan nyo?” –Ate na nagtitinda- “Hindi…” –ako at V-jay- “Pero kasi po… naka-RESERVE na po kasi yan kaya di na po pwedeng bilhin.” –Ate Vendor- “WHAT?!?!” –ako at V-jay- “Ano ba?! Kanina mo pa ginagaya ang iniimik ko ah!” –ako- “Ikaw nga ang nanggagaya dyan!” –V-jay- “Hershey… bumili ka na lang… ang dami pang nakapila oh.” –Sxhiela- “Okay………… TABI DYAN!” –ako- Tapos binangga ko pa si V-jay. Serves him right! Antipatiko! Mayabang! Akala mo kung sinong gwapo! Ampanget naman ng ugali! LESHE! >:( Umupo na kami sa table. Chocolate drink tapos sandwich ang binili ko… ARGH! Nakakabad-vibes si V-jay! Bwish*t! “Hershey… akala ko, ano mo si V-jay? Bakit mo sinungitan?” –Sxhiena- “Dati yun! Di na ngayon! Sama ng ugali! LESHE!” –ako- “Pero ang pagkakaalam ko… mabait yun… bakit kaya ganun?” –Sxhiela- “MABAIT?! MABAIT PA SIYA SA LAGAY NA YUN?! HUWAW!!!” –ako- “Pero di nga… bakit kaya ganun ang ugali niya? Gwapo pa naman.” –Sxhiena- “Ewan ko sa inyo… Mayabang siya! Anitipatiko! Bwisit!” –ako- “Hershey! Ang puso mo!” –Sxhiela- “Wala akong sakit sa puso Sxhiela… pero pag nakita ko ulit ang antipatikong mayabang na lalaking yun… hindi malabong magkasakit ako sa puso!” –ako- “Relax lang Hershey… pasalamat ka, di natin siya kaklase.” –Sxhiena- “Sinusuhulan ata niya ang teachers kaya siya nasa section A =_=” -ako- Section B kasi kami eh. Bad vibes talaga ako. Chocolate lang ang kailangan ko para mawala ito.. “GUSTO KO NGA SIYA!!!” O_____O Nagulat na lang kami kasi may biglang sumigaw. Paglingon ko… O_____O WAT DA PAK?! Si V-jay?! “Aamin din pala.” –kaibigan ni V-jay- “Gag*. Para lang tumigil ka, kulit mo dre.” –V-jay- “Sus! Mga palusot mo!” –kaibigan ulit niya- Biglang napatingin sa’kin si V-jay, napaiwas tuloy ako ng tingin. Ako kaya ang tinutukoy niya? Tss… ASA Hershey! Wag ka nga mag-assume! Akala ko… crush ko lang siya? Bakit nasasaktan ako? Teka…di ba sabi ko kanina di ko na siya crush tapos ngayon nasasaktan ako? What the heck?! I need to let go this feeling now…. *********** One week na ang nakalilipas after nung cafeteria incident thingy. Tapos simula nun, laging may nakapatong na Hershey chocolate sa arm chair ko… may kasama pang rose! Aba! Ako po ay isang hamak na estudyante lamang para magkaroon ng secret admirer! XD Haba ng hair teh! “Meron na naman?” –Sxhiena- “Ikaw na ang may secret admirer! Nahiya naman kami ni kambal!” –Sxhiela- “Haha! Malabo siguro yung mata ng nagpapadala nito sa’kin.” –ako- “Hindi ah!” -???- Pakalingon namin… si Lester… kasamahan siya nina V-jay… magaling din sa sepak yan. “Huh? Anong ibig mong sabihin?” –ako- “Sabi ko… hindi malabo yung ang mata ng nagpapadala sa’’yo nyan… ang ganda mo kaya.” –Lester- “E-eh?!” –ako- “Nevermind… sige bye.” –Lester- Tapos umali na siya…. WEIRD. Hindi kaya…… si Lester ang secret admirer ko? Gwapo naman siya… mabait… di tulad ni V-jay na--------------- O______O THE HECK?! Bakit pinag-cocompare ko sila ni V-jay? ASAR! “Papahangin lang ako.” –ako- “Samahan ka namin?” –Sxhiena- “Di, wag na… gusto ko magmuni-muni XD” –ako- “Okay! Ingat na lang Hershey.” –Sxhiela- Lumabas na ako ng room, lunch break naman eh. Medyo nakayuko ako habang naglalakad. Di naman ako sikat dito sa school eh. Ayaw ko pati maging popular… psh… di naman yun nakakain =_= “Uy uy… namo… siya si Hershey di’ba?” –Girl 1- “Oo siya nga! Yung sinungitan ni V-jay!” –Girl 2- “Pero di ba… ang sabi nila.. pag may babaeng sinungitan si V-jay… yun yung taong mahal niya?” –Girl 1- “Oo nga! Ay! Ang swerte naman niya!” –Girl 2- O_____O Bigla tuloy akong napatunghay ng kauntian dahil sa narinig ko… WAT DA PAK?! Totoo ba yun?! Tsk… ASA ka pa Hershey… parang sinabi mo na rin na nakakalipad ang pagong =_= pero merong nalipad na pagong sa larong Super Mario di’ba? XD Kahit na! imposible pa rin! Ang isang V-jay Rocher Quintos? Magmamahal sa isang Hershey Kisses Valderama?! Patay na ako di pa nangyayari yun! Nandito na ako rooftop… HAYYY! Ang hangin talaga dito! Pumunta ako dun sa may padulo… don’t worry… may harang naman eh… tapos naghalumbaba ako dun. Sino kaya yung secret admirer ko? Grabe ha? Ang laki ng nagagastos niya sa’kin. One week na kaya niya akong binibigyan ng Hershey, may rose pa! mukhang mayaman si Mr. Malabo ang Mata ah! XD Si Lester nga kaya yun? Pero hindi eh… may girlfriend na ata yun… tapos liligawan pa ako? SOBRA NAMAN! XD Ang isa pang inaalala ko eh yung narinig ko… totoo kaya yun? Yung sabi nung chuwap na babae na yung girl daw na susungitan ni V-jay eh yung taong mahal niya? ASA! Malay nyo… di lang ako ang Hershey dito sa school na ito…. Ang dami kayang estudyante rito! Mahirap na… AYOKONG MAG-ASSUME… masaki--------- *PAK!* !#@!$%#*&!!!! Kasagsagan ako ng pag-eemote dito tapos biglang may mamamato?! F*ck! Tumingin ako sa likod ko… Huh?! O____O WALANG TAO?! WHAT THE FOO?! May multong namamato ba rito?! Waaaaahhhhhhhhhhhh!!!! Tiningnan ko yung binato sa’kin… PAPEL?! ANG SAKIT KAYA NUNG PAGKAKATAMA SA ULO KO TAPOS PAPEL LANG YUN?! HECK! Nung hinawakan ko…. Ahhh, kaya pala, nakabalot lang sa papel… OA ko naman :D Tinanggal ko yung papel na nakabalot… oh? Isang piraso ng Hershey kisses? Napansin ko may nakasulat sa papel, “Tingin ka ulit sa likod mo.” At dahil ako ay taong puno ng curiosity, lumingon ako sa aking likod… wala akong pakialam kung multo ang makita ko… eh lumingon daw sa likod eh :D O______O ---à ako plus laglag-panga Paanong hindi magiging ganyan ang reaksyon ko? Isang V-JAY ROCHER QUINTOS ang nakatayo sa harap ko! Hindi ko nga alam kung matatawa ako o kung ano. Yung itsura kasi niya parang nahihiyang ewan! Haha! “Pwede namang lumapit na lang hindi yung namamato pa… bastusan talaga eh.” –ako- “Eh…. Nahihiya ako eh! Bakit ba?!” –V-jay- “Nahihiya raw? Eh kung asarin mo nga ako sa cafeteria last week eh wagas! Tapos sasabihin mong nahihiya ka? HUWAW!’ –ako- “Nagawa ko lang naman yun kasi nagulat ako… Ikaw kaya, ano kayang mararamdaman mo pag nahawakan mo yung kamay ng taong…… ng taong……..” –V-jay- “Ng taong ano?” –ako- “Ng taong mahal mo… ang saya kaya.” –V-jay- O____O Tama ba yung narinig ko? Tunay talaga?! “H-huh?” –ako- “Matagal na kitang mahal Hershey… ako rin yung naglalagay ng Hershey at rose sa armchair mo… kaya kita nasungitan sa cafeteria eh kasi nakaramdam ako ng hiya… Sorry tala------“ –V-jay- “Loko ka… bakit ngayon mo lang sinabi? Matagal na akong may gusto sa’yo ngayon ka lang nagtapat?” –ako- O____________O >_____________< >/////////////////< Tae! Ikaw ba naman ang biglang buhatin tapos iikot-ikot?! “Hoy V-jay! Ibaba mo ako! Ano ba! Kyahhhh!” –ako- Ibinaba nga niya ako pero nakahawak pa rin siya sa beywang ko tapos forehead to forehead pa kami…. >///< Mas gwapo siya sa malapitan! Kyaaahhhhh! Ang landi mo Hershey! “Talaga? Talaga? Totoo yung sinabi mo?” –V-jay- “Ayaw mo atang maniwala eh di wag *pout*” –ako- “You’re tempting me Hershey… wag kang mag-pout… baka mahalikan kita bigla *grin*” –V-jay- “Tae ka! PDA yun! >///<” –ako- “Pero totoo talaga yung sinabi mo?” –V-jay- “OO NGA! AYAW PA NITONG MANIWALA! >///<” –ako- “Ang cute mo pag nag-bblush.” Sabi ni V-jay tapos kinurot ako sa pisngi. “Aww! Masakit!” –ako- “Masakit? Sige, ikikiss ko na lang.” Ni-kiss nga niya ako sa pisngi, “Oh… di na ba masakit?” “Heh! Para-paraan ka! Haha!” –ako- Niyakap na lang ako bigla ni V-jay…. Di ako nananaginip… totoo nga ito… “I love you so much Hershey… mahal na mahal kita.” Bulong sa’kin ni V-jay. Bumulong din ako sa kanya, “Mahal din kita V-jay.” END….. AUTHOR’S NOTE: Sorry po readers kung panget, haha! Comment naman po kayo para mag-improve ako ng kauntian, hehe. Pero sana nagustuhan nyo pa rin po ito! Salamat ng marami! ^___^